HERMOSA, Bataas, Philippines — Arestado ang isang 72-anyos na lolo matapos gahasain umano ang kanyang dalawang apong menor-de-edad sa Sitio Sta. Maria, Barangay Culis, Hermosa ng bayang ito,
Kinilala ni Hermosa Police chief, Major Jeffrey Onde, ang suspek na si Manuel Daculong alyas “Manoy”, residente ng nabanggit na lugar na inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Amelita Corpuz para sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse Law.
Nangyari umano ang panggagahasa ng suspek sa kanyang dalawang apo na noon ay nasa edad 12 at 14 pa lamang, noong Enero 2019 at pinakahuli nitong Hunyo 2020.
Nakakulong na sa Hermosa Municipal Police detention cell ang suspek.