BAGUIO CITY , Philippines — Limang araw na ngayong nawawala ang 40-anyos na si P/Master Sergeant Jovelyn Pagaduan Camangeg, ng Centro 2, nakadestino sa bayan ng Lasam na huling nakita dakong alas-5:00 ng umaga nitong February 18 patungo sa Tuguegarao City, Cagayan para sana mag-loan at kunin ang kanyang inorder na slimming coffee.
Inatasan na ni Cagayan Valley police director Brig. Gen. Crizaldo Nieves ang malalimang imbestigasyon sa pagkawala ni Camangeg na sumasailaim sa virtual seminar tungkol sa Integrated Transformation Program (ITP) mula February 11-17 2021 sa pamamagitan ng Zoom.
Ayon sa kapatid ng pulis na sinubukan niyang tawagan ang cellphone, subalit walang sumasagot at nasa out of coverage.
Ayon sa Lasam police, si Camangeg ay sakay ng kanyang orange Toyota Wigo na may plate number BA 1788 at nakasuot ito ng maong pants at olive green shirt na may tatak na pulis.