STO.DOMINGO, Nueva Ecija, Philippines — Labinlimang kalalakihan, kabilang ang tatlong menor-de-edad ang naaresto ng mga otoridad nang maaktuhan ang mga ito na nagkakarera ng motorsiklo sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay Mabini, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay P/Major Abraham Atencio, hepe ng Sto. Domingo PNP, ang mga inaresto na sina Mark Jayson Paladan, 21; Gilbert Fulgencio, 19, na umano’y financier nito; Marchel Narca, 25; Jayson Villanueva, 24; James Bisual, 18; Honorio Gonzales, 20; John Benedick Barroga, 21; Elizardo Turno, 32; Jomar Patricio, 22; Harris Jay Patricio, 21; Jorge Michael Braceros, 18; CJ Martinez, 23; at ang tatlong menor na hindi ibinigay ang mga pangalan, at pawang mga residente ng Barangay Maligaya, Science City of Muñoz at ng Barangay Mabini, Sto. Domingo, NE.
Nabatid na alas-8:00 ng Miyerkules ng gabi nang sila umano ay arestuhin ng rumespondeng pulisya at nakumpiska ang P2,269 na bet money at limang motorsiklo na gamit umano sa nasabing karera.
Nabatid pa na isang tawag mula sa residente ng Barangay Mabini, Sto. Domingo, NE, ang naging daan upang mahuli ang mga suspek sa ilegal nilang libangan.