SUBIC BAY, Philippines — Binuksan na kamakalawa sa mga motorista ang Subic Freeport Expressway para sa mas mabilis at ligtas na access road papasok sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).
Nagkakahalaga ng P1.6 bilyon ang 8.2 kilometer road na bahagi ng expansion project ng Subic Freeport Expressway na sinimulan ang konstruksyon noong Hulyo 2019.
Pormal na pinasinayaan ang nasabing proyekto sa pangunguna nina Executive Sec. Salvador Medialdea, Public Works Sec. Mark Villar, Transportation Sec. Arthur Tugade, Presidential Spokesperson Harry Roque, SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, Metro Pacific Investment Corp. Pres. Jose Ma. Lim, Metro Pacific Tollways Corporation Pres. Rodrigo Franco, NLEX Corp Pres. Luigi Bautista, Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia, Hermosa, Bataan Mayor Jopet Inton, at MPTC Spokesperson Romulo Quimbo Jr.
Nagpasalamat naman si Eisma kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kakatapos na proyekto dahil magbibigay daan aniya ito upang madagdagan at magtiwala ang mga negosyanteng dayuhan na mamuhunan sa SBFZ.