^

Probinsiya

Subic Freeport Expressway bukas na sa motorist

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Subic Freeport Expressway bukas na sa motorist
Nagkakahalaga ng P1.6 bilyon ang 8.2 kilo­meter road na bahagi ng expansion project ng Subic Freeport Expressway na sinimulan ang konstruksyon noong Hul­yo 2019.
NLEX Photo

SUBIC BAY, Philippines — Binuksan na kamakalawa sa mga motorista ang Subic Freeport Expressway para sa mas mabilis at ligtas na access road papasok sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).

Nagkakahalaga ng P1.6 bilyon ang 8.2 kilo­meter road na bahagi ng expansion project ng Subic Freeport Expressway na sinimulan ang konstruksyon noong Hul­yo 2019.

Pormal na pinasinayaan ang nasabing proyekto sa pangunguna nina Executive Sec. Salvador Medialdea, Public Works Sec. Mark Villar, Transportation Sec. Arthur Tugade, Presidential Spokesperson Harry Roque, SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, Metro Pacific Investment  Corp. Pres. Jose Ma. Lim, Metro Pacific Tollways Corporation Pres. Rodrigo Franco, NLEX Corp Pres. Luigi Bautista, Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia, Hermosa, Bataan Mayor Jopet Inton, at MPTC Spokesperson Romulo Quimbo Jr.

Nagpasalamat naman si Eisma kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kakatapos na proyekto dahil magbibigay daan aniya ito upang ma­dagdagan at magtiwala ang mga negosyanteng dayuhan na mamuhunan sa SBFZ.

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with