^

Probinsiya

148 rebelde sumuko sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines —  Nagtala ang Cagayan ng pinakamaraming bilang ng sumukong mga rebelde sa loob lang ng isang araw matapos magbalik-loob sa pamahalaan ang nasa 148 na miyembro at supporters ng New People’s Army kamakalawa.

Batay sa report ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isa­bela,  pinakamarami ang sumuko sa Rizal, Cagayan. Nasa 52 rebelde ang sumuko mula sa Brgy. Masi, dalawa sa Brgy. Bural at 18 sa Brgy. San Juan. Nasa 27 naman ang sumuko mula sa bayan ng Sto Niño, 21 dito ay mula sa Brgy. Calassitan at 16 sa Brgy. Balagan.

Sumuko rin sa kampo ng 17th-IB ang 19 mi­yembro ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM); 9 ng Makibaka, lima ng Kabataan Makabayan (KB) mula sa Brgy. Abariongan Uneg at walo pang KB mula sa Brgy. Calassitan, Sto. Niño.

Nauna rito, sumuko rin ang walong kasapi ng Militiang Bayan ng Northern Front Committee ng Komiteng Rehiyon ng Cagayan Valley (KR-CV) sa tropa ng Naval Task Group Fleet-Marine Cagayan ng Marine Battalion Landing Team-10 sa bayan ng Sta. Ana.

Sa pulong balitaan sa kampo ng 17th IB sa Lal-lo, pinasalamatan ni Gov. Manuel Mamba ang mga rebelde sa desisyong magbalik-loob sa pamahalaan. Aniya, bukod sa ayuda mula sa gobyerno, tutulungan nila ang mga nagsisuko na magkaroon ng trabaho at makabalik ang iba sa eskwelahan para mag-aral.

vuukle comment

PEOPLES ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with