MADAMDA, Lanao del Sur, Philippines — Tatlong miyembro ng Maute terrorist group ang nasawi matapos na makipagbakbakan sa mga elemento ng 1st Scout Ranger Battalion nang salakayin ang kanilang pinagkukutaan sa Barangay Bawang sa nasabing bayan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Samier Akaraman; Pendar Alongan; at Amerodin Lanting mga residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, nang napasok ng mga sundalo ang lugar sila ay pinutukan ng mga suspek, kaya’t gumanti ng putok ang mga una na tumagal ng anim na oras ang bakbakan na ikinasawi ng tatlong terorista.
Sinabi ng mga opisyal ng barangay na ang bangkay ng tatlo ay dinala ng kanilang mga kasamahan matapos na sila ay bombahin ng Army’s 1st Field Artillery Battalion gamit ang 105 Howitzer cannon.