^

Probinsiya

Bulkang Kanlaon nag-alboroto, alert level 1 nanatili

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Kanlaon nag-alboroto, alert level 1 nanatili
Dahil dito, pinaiiwas ng Philvolcs ang mga piloto na magpalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa crater ng Kanlaon Volcano dahil sa ang biglaang phrea­tic eruption ng bulkan ay maaaring magdulot ng pinsala sa kanilang sasakyan.
Philstar.com/File

Paglipad ng eroplano ipinagbawal

MANILA, Philippines — Patuloy sa pag-aalboroto ang Kanlaon Volcano ngunit wala pang senyales na may magma na umaakyat sa crater nito, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Dahil dito, pinaiiwas ng Philvolcs ang mga piloto na magpalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa crater ng Kanlaon Volcano dahil sa ang biglaang phrea­tic eruption ng bulkan ay maaaring magdulot ng pinsala sa kanilang sasakyan.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum Jr., mayroong pagtaas ng aktibidad ng Kanlaon Volcano ngunit sa ngayon ito ay nananatiling nasa alert level 1.

Sinabi pa ni Solidum na nakapagrehistro pa ang bulkan ng mas ma­raming volcanic earthquakes sa nakalipas na tatlong araw at ang sulfur dioxide gas level nito ay umakyat din.

Binalaan ni Solidum ang mga residente na huwag nang magtangka pang pumasok sa apat na kilometrong permanent danger zone ng bulkan dahil ito’y mapanganib.

“Posibleng ang nangyayari sa kasalukuyan ay ang pagpapakulo ng tubig diyan sa Kanlaon Volcano kaya dumami ang bilang ng volcanic earthquakes sa nakalipas na tatlong araw, ang pagtaas ng sulfur dioxide gas na initial na pagbuga ng gas, at patuloy na pamamaga,” pahayag ni Solidum, sa panayam sa radyo.

“At ito po ay kailangang pag-ingatan kaya nagbabala tayo na huwag pumasok sa 4-kilometer permanent danger zone sa kasalukuyan,” dagdag pa aniya.

Batay sa 8:00AM volcanic bulletin nitong Linggo, sinabi ng Philvocs na nakapagtala sila ng pitong volcanic earthquakes sa nakalipas na 24-oras.

“Moderate emission of white steam-laden plumes that rose 500 meters before drifting southeast and northwest was observed,” anito pa.

Sinabi ni Solidum na noong mga nakaraang panahon, ang pagputok ng Kanlaon ay karaniwang phreatic o steam-driven.

Pinapayuhan ang mga residente sa ilang barangay ng Kanlaon City na malapit sa bulkan na dapat na maging palaging handa sakaling tuluyan na ngang magkaroon ng aktibidad ang bulkan.

Dapat din aniyang mag­handa ng emergency bags ang mga residente na madali nilang mabitbit sakaling kailanganin na nilang lumikas sa mga itinalagang evacuation centers.

PHILVOCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with