^

Probinsiya

Kapitan, 8 pa arestado sa illegal logging

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Huli sa akto ang isang barangay chairman at 8 pang kasamahan nito na kasalukuyang nagkakarga ng nalagari nang mga troso sa isang 6x6 trak sa tabi ng ilog Pinacanauan sa mismong barangay na pinamumunuan nito kaninang Miyerkules ng madaling araw sa San Mariano, Isabela.

Ayon kay Cagayan Valley Region Police­ director Brig. Gen. Cri­zaldo Nieves, ang mga dinakip na nahaharap sa kasong illegal logging ay kinila­lang sina Brgy. Cataguing Chairman Harley Deolazo, 54; Hel­bert Martinez, 30; Donald Cachuela, 37; Jeffrey Deray, 31; Michael Bacani; Jomari Palattao, 29; pawang sa Brgy. Buyasan; at truck driver na si Jerold Malsi, 34; Jerrymi Malsi, 29; at Jackson Malsi, 37, na mga ka-barangay ng kapitan.

Ayon sa pulisya, isang tipster ang nagbigay ng impormasyon sa kanila kaugnay sa ilegal na ope­rasyon ng mga suspek.

Nadatnan ng mga pulis si Deolazo kasama ang walo na kasalukuyang nagkakarga ng 2,000 board feet ng na­lagari nang troso sa 6x6 truck na pagmamay-ari pa ng tserman, dakong 4:40 Miyerkules ng ma­daling-araw sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

ILLEGAL LOGGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with