Magnitude 5 na lindol mula Occidental Mindoro nang-uga hanggang Visayas

Satellite image ng San Jose, Occidental Mindoro mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Matapos ang serye ng mga lindol nitong mga nakaraang araw sa iba't ibang parte ng Pilipinas, isa na namang lindol ang naobserbahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seiesmology ngayong umaga — ngayon naman sa timog bahagi ng Luzon.

Nai-record ang epicenter ng magnitude 5 na lindol 58 kilometro mula sa San Jose, Occidental Mindoro bandang 7:24 a.m., bagay na "tectonic" ang pinagmulan.

Dahil diyan, Intensity IV (moderately strong) ang naramdamang pagyanig ng lupa sa San Jose, Occidental Mindoro ngayong Martes.

Ang Intensity IV ay isinasalarawan ng state volcanologists bilang:

"Felt generally by people indoors and by some people outdoors. Light sleepers are awakened. Vibration is felt like a passing of heavy truck. Hanging objects swing considerably. Dinner, plates, glasses, windows and doors rattle. Floors and walls of wood framed buildings creak. Standing motor cars may rock slightly. Liquids in containers are slightly disturbed. Water in containers oscillate strongly. Rumbling sound may sometimes be heard."

Bagama't mas mahihina, nakapagtala naman ng "intrumental intensities" III, II at I sa San Jose, Occidental Mindoro, Roxas, Oriental Mindoro; Sebaste, Antique at Jamindan, Capiz.

Wala pa mang inaasahang pinsala dulot ng pagyugyog, tinataya ng Phivolcs na masusundan pa ito ng mga "aftershocks" o mga lindol na sumusunod matapos ang pinakamalakas na pag-uga sa isang earthquake sequence. — James Relativo

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

Show comments