PAMPANGA, Philippines — Arestado na ang most wanted person na miyembro ng kilabot ng criminal group sa Angeles City nitong Martes ng gabi, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ang nadakip na si Leonardo Dunca Jr. alyas “Junjun”. Siya ay naispatan sa kahabaan ng Pampang Road, Brgy. Pampang at inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Edgar Chua, presiding judge ng RTC Branch 47, San Fernando City na walang piyansang inirekomenda.
Wanted si Dunca dahil sa kasong may kinalaman sa droga at sinasabing miyembro ng notoryus na Espinola Criminal Group na sangkot umano sa drug trafficking at gun running sa Angeles City at sa mga karatig-bayan.
Ayon kay P/Col. Rommel Batangan, Angeles City Police director, nasa listahan din si Dunca sa mga high value target sa rehiyon.