TINAMBAC, Camarines Sur , Philippines — Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang 68-anyos na mister matapos na pagtatagain ng kanyang kainuman sa harap mismo ng kanyang misis sa kanilang bahay sa Zone-8, Brgy. Bagacay sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Duguang bumulagta sa harap ng kanilang bahay ang biktimang kinilalang si Emilio Bajar Cornello habang patuloy na tinutugis ang tumakas na suspek na si Joseph Alvarez, 40-anyos, binata at reaidente ng Zone-8,Brgy.Mananao.
Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nag-iinuman ang suspek at biktima sa bahay ng una. Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa dahilan para kumuha ng itak ang suspek at hinabol ng taga ang matanda na tumakbo patungo sa kanilang bahay.
Sinundan hanggang sa loob ng kanyang bahay ang biktima at nang maabutan ng suspek ay walang awang pinagtataga na agaran ikinasawi ng matanda.