^

Probinsiya

PNP sisilipin ang pangongotong ng Binangonan Police Station

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP sisilipin ang pangongotong ng Binangonan Police Station
“I will not let this incident pass without implementing appropriate criminal and administrative action against those involved,” giit ni PNP chief Police General Debold Sinas.
Freeman/Facebook

BINANGONAN, Rizal , Philippines — Matapos mahuli ang da­lawang asset na sibilyan ay pinaiimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pangingikil umano ng Binangonan Municipal Police Station.

“I will not let this incident pass without implementing appropriate criminal and administrative action against those involved,” giit ni PNP chief Police General Debold Sinas.

Iniutos na ni Sinas kay Calabarzon police director Police Brigadier General Felipe Natividad na imbestigahan si Binangonan police chief Police Lieutenant Colonel Ferdinand Ancheta na responsable sa umano’y pangingikil ng mga tauhan nito.

Nitong Martes, naaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sina Albert Domingo alias Joel, at Pablo Dolfo alias Botchok, parehas na civilian asset ng Binangonan Police Station. Nakum­piska ang pera, cellphone, sasakyan, at motorsiklo kay Domingo.

Ayon sa PNP-IMEG, sangkot din sina Police Senior Master Sergeant Randy Andanar, Police Senior Staff Sergeant Joel Acosta, Police Senior Staff Sergeant Joe Sevillena, Police Corporal Allan Alvarez, Police Corporal Marson Tayaban, at Police Corporal Lew Armesis.

Nasa kostudiya na ang mga ito ng PNP-IMEG para sa karagdagang imbestigasyon.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay dahil sa natanggap na reklamo mula sa biktimang si Stephen Kellu  na na-impound ang  motorsiklo at ibibigay lang ang motorsiklo kapag nakapagbigay na ito ng pera.

Sina  Domingo at Dolfo ay positibong itinuro ni Kellu na nanghingi sa kanya ng pera upang mailabas ang na-impound na motorsiklo.

Nadiskubre rin ng PNP IMEG na nakakalabas ng piitan si Police Corporal Archieval Perez, na nahaharap sa kasong Infidelity in the Custody of Prisoners, na non bailable offense.

Si Perez ang  nagsisilbing lookout sa mga isinasagawang pay-off gamit ang dalawang cellphon

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with