13 ‘adik’ sa Olongapo City Hall sinibak!

Ayon kay Mayor Paulino, dalawa sa mga kawani ay permanente sa posisyon habang ang mga nalalabi ay pawang job order, service contract at casual employees.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sinibak kahapon sa tungkulin ni Olongapo City Mayor Lenj Paulino Jr. ang 13 niyang kawani sa City Hall na sinasabing mga adik matapos silang magpositibo sa drug test.

Ayon kay Mayor Paulino, dalawa sa mga kawani ay permanente sa posisyon habang ang mga nalalabi ay pawang job order, service contract at casual employees.

Aniya, sinibak niya agad ang 10 na kawani habang hiniling sa dalawang regular employees na kusa nang magbitiw sa tungkulin.

Nabatid na resulta ng confirmatory test ang pinagpasyahan ng alkalde kasunod ng sorpresang drug test na isinagawa sa City Hall nito kamakailan.

Magugunita na nitong nakaraang linggo, hiniling ni Paulino na isalilalim sa drug test ang lahat ng mga nakatalagang pulis sa kanyang teritoryo matapos masangkot sa nabuwag na shabu laboratory ang apat na tiwaling parak sa lungsod na ikinasibak ng kanilang hepe dahil sa command responsibility.

Show comments