^

Probinsiya

Planta sa Bulacan nasunog, P100 milyon na ari-arian naabo

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Planta sa Bulacan nasunog, P100 milyon na ari-arian naabo
Sa report ng Provincial Fire Marshal, nagsimula ang pagsiklab ng nagngangalit na apoy sa planta na pag-aari ng isang Pedro Dorecio, dakong alas-3:50 ng madaling araw na idinikla­rang fire out alas-9:59 ng umaga.
STAR/ File

NORZAGARAY, Bulacan, Philippines — Tinatayang aabot sa P100 milyong halaga ng mga kagamitan ang natupok makaraang sumiklab ang apoy sa planta ng PED Chemicals ng Sitio Diliman Brgy, Partida ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Sa report ng Provincial Fire Marshal, nagsimula ang pagsiklab ng nagngangalit na apoy sa planta na pag-aari ng isang Pedro Dorecio, dakong alas-3:50 ng madaling araw na idinikla­rang  fire out alas-9:59 ng umaga.

Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office(PDRRMO), sa tindi ng apoy, umabot sa ikalawang alarma ang naturang sunog na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi nito.

Kabilang sa mga nasunog ang ilang mga sasakyan, tangker at mga makina, wala namang napaulat na namatay o nasaktan sa naturang sunog.

PED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with