Abogado itinumba sa mini market!
MANILA, Philippines — Patay ang isang abogado matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang namamalengke sa isang palangke malapit sa kanilang bahay sa Malaybalay City, Bukidnon.
Sa ulat na nakarating kay Lt. Col. Jerry Tambis, hepe ng Malaybalay Poice, kinilala ang biktima na si Atty. Winston Intong.
Batay sa police report, alas-7 ng umaga habang bumibili ng gulay sa mini market ang biktima nang biglang lapitan ng dalawang armadong suspek at pinagbabaril.
Limang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril ang nakita sa pinangyarihan ng krimen.
Sinisilip ng pulisya ang “personal grudge” o may kinalaman sa mga hinawakang kaso ng biktima na motibo sa pamamaslang.
- Latest