^

Probinsiya

Bulkang Mayon muling nag-alboroto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Mayon muling nag-alboroto
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ang bulkang Mayon ng 14 quakes at 36 rockfall events mula noong Enero 1 hanggang Enero 15 at apat na volcanic quakes sa nakalipas na 24 oras.
Facebook/Noli Luna

MANILA, Philippines — Muli na namang nag-alboroto ang bulkang Mayon sa Bicol, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ang bulkang Mayon ng 14 quakes at 36 rockfall events mula noong Enero 1 hanggang Enero 15 at apat na volcanic quakes sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi ng Phivolcs na patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay simula nang pumasok ang bagong taon dahil sa ipinapakitang abnormalidad ng bulkan.

Naobserbahan din umano ang crater glow sa summit ng bulkan na makikita kung gabi.

 Sa kabila nito, nananatili sa alert level 1 ang bulkan at pinagbabawalan ang sinuman na pumasok sa loob ng 6-ki­lometer permanent danger zone sa paligid nito dahil sa banta ng phreatic eruptions na maaaring mangyari anumang oras.

MOUNT MAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with