^

Probinsiya

Killer cop naghain ng ‘not guilty plea’

Pilipino Star Ngayon
Killer cop naghain ng ânot guilty pleaâ
Ito ang inihain sa korte ni Police Master Sgt. Jonel Nuezca sa ginanap na video call hearing hinggil sa pagbaril at pagpatay nito sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio noong Disyembre sa Paniqui, Tarlac.
Michael Varcas

Sa kasong ‘double murder’ sa mag-ina sa Tarlac

MANILA, Philippines — “Not guilty”.

Ito ang inihain sa korte ni Police Master Sgt. Jonel Nuezca sa ginanap na video call hearing hinggil sa pagbaril at pagpatay nito sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio noong Disyembre   sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Atty. Freddie Villamor, nasa Branch 67 sila ng Paniqui Regional Trial Court  kasama ang ibang miyembro ng pamilya Grego­rio para sa unang pag­ding sa kasong double murder.

Sa pamamagitan  ng video call hearing, binasahan ng 2 counts of murder si Nuezca subalit laking gulat ng pamilya Gregorio nang maghain ang pulis ng “not guilty plea”. Hindi dumalo ng personal si Nuezca dahil naka-quarantine pa rin ito.

Ikinagalit ng todo ng pamilya Gregorio ang not guilty plea ni Nuezca kasabay ng pangamba na makakalabas ang pulis sa kulungan lalo pa at sinabi ni PNP chief Debold Sinas na hindi umano magiging malakas na ebidensya ang nag-trending na video ng pagbaril nito  sa mag-ina.

Pero giit ng pamilya Gregorio, maraming witness ang handang tumestigo laban kay Nuezca at maging ang mga menor-de-edad na kumuha ng video habang may nangyaring krimen.

Matatandaang ka-lagitnaan ng Disyembre nang pagkaguluhan sa social media ang video ng pagbaril at pagpatay ni Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank ng dahil lamang sa pagpapaputok ng huli ng boga na ikinagalit ng una.

Inaasahang lalabas naman ngayon ang resolusyon ng kasong administratibo laban  kay Nuezca na inim-bestigahan ng PNP-Internal Affairs Office.

JONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with