MANILA, Philippines — Nagtipunan, Quirino- Nagsanib pu-wersa ang pamahalaang lokal ng bayang ito at mga katutubong Bugkalot para tutulan ang pag-renew ng operasyon ng OceanaGold (Philippines), Inc. (OGPI) para sa pagmimina sa Barangay Didipio.
Ayon kay Nagtipunan Vice Mayor Amel Fiesta, suportado ng buong konseho ang ipinaglalaban ng mga grupong Bugkalot-Ilongot lalo na ang kanilang karapatan sa kanilang ancestral domain, kabilang na ang Barangay Didipio kung saan nakabase ang operasyon ng pagmimina ng OceanaGold.
Inindorso ng mga miyembro ng municipal council kay Pangulong Rodrigo Duterte ang petisyon mula sa Bugkalot-Ilongot IP communities na humihiling sa huwag nang aprubahan ang nakahaing “renewal” sa Financial Technical Assistance Agreement (FTAA) ng OGPI at ng pamahalaan matapos mapaso ang 25-year right-to-operate ng nasabing Australian mining giant.