^

Probinsiya

PNPA cadet nambugbog ng kapwa kadete, pinasisibak ni Sinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNPA cadet nambugbog ng kapwa kadete, pinasisibak ni Sinas
Ayon kay PNP Spokesman P/Brig.Gen. Ildebrandi Usana, inutos na ni PNP chief P/Gen. Debold Sinas ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa graduating cadet ng PNPA na nasangkot sa panggugulpi sa kasamahan nitong kadete.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Ipinag-utos kahapon ni PNP chief P/Gen. Debold Sinas ang pag-dismiss sa isang gra­duating cadet ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nasangkot sa pambubugbog ng kapwa nito kadete sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Camp Castañeda, Silang, Cavite.

Ayon kay PNP Spokesman P/Brig.Gen. Ildebrandi Usana, inutos na ni Sinas ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa graduating cadet ng PNPA na nasangkot sa panggugulpi sa kasamahan nitong kadete.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-11 ng gabi noong Disyembre 31, 2020, si Cadet 1st Class Joab Mar Nacnas ay binugbog umano ni Cadet 1st Class Denvert Dulansi sa roof deck ng gusali ng PNPA.

Una rito, binalaan ni Nacnas si Dulansi at dalawa pang kasama na sina Cadet 1st  Class Guminigin at Cadet 1st Class Tudlong  na isusumbong sa kanilang superior nang mahuli ang tatlo na umiinom ng alak sa roof deck. Dito’y nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa pambubugbog kay Nacnas na isinugod ng PNPA ambulance sa Qualimed Hospital.  Si Nacnas ay idineklarang nasa maayos ng kondis­yon na walang sintomas ng internal injury base sa isinagawang CT scan at Xray examinations.

Dahil dito, inatasan na rin ni Sinas ang Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) na isailalim ang lahat ng kadete na sangkot sa insidente sa “restriction” habang gumugulong ang dismissal proceedings sa pangangasiwa ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Ang direktiba ay ipinalabas ni Sinas matapos na matanggap ang report ni PNPA Acting Director P/Brig Gen. Rhoderick Armamento.

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with