^

Probinsiya

Provincial buses pinayagan nang bumiyahe sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Provincial buses pinayagan nang bumiyahe sa Bulacan
Ito’y matapos ang mahigit na 9 na buwan na pagkakasuspinde ng mga biyahe mula nang unang ipasailalim sa iba’t ibang community qua­rantine ang Luzon noong Marso, dahil sa pan­demya ng COVID-19.
STAR/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pinayagan na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na muling makabiyahe ang mga provincial buses na may orihinal na mga ruta na papasok at palabas sa Bulacan.

Ito’y matapos ang mahigit na 9 na buwan na pagkakasuspinde ng mga biyahe mula nang unang ipasailalim sa iba’t ibang community qua­rantine ang Luzon noong Marso, dahil sa pan­demya ng COVID-19.

Pinakabago rito na binuksan ay ang ruta na papuntang Tarlac ng Victory Liner na magmumula sa Tabang interchange sa bayan ng Guiguinto na may biyahe kada oras o alas-4:30 ng umaga hanggang alas-7:30 ng gabi. Ang mga biyaheng Tabang mula sa Tarlac ay oras-oras din mula alas-8:00 a.m. hanggang 4:30 p.m.

Tatakbo ito sa ruta sa loob ng Mac Arthur Highway ang walong bus na mula sa Tabang, Malolos, Calumpit sa Bulacan, Apalit at San Simon sa Pampanga. Lalabas sa San Simon entry ng NLEX papunta sa San Fernando, muling papasok sa Dau exit at lalabas hanggang makara­ting sa Siesta sa Tarlac City sa pamamagitan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Ibinalik na rin ang mga biyahe sa rutang Caloocan-Apalit na dumadaan din sa Calumpit, Malolos at Tabang. Araw-araw nang mayroong biyahe mula 6:00am to 9pm para sa mga papuntang Apalit at 4:00am to 6pm para sa paluwas sa Caloocan para sa inisyal na 10 bus na bumibiyahe para sa nasabing ruta, ayon kay Mark Conrad Salvador, marketing assistant ng Victory Liner.

Sa dalampasigan ng Bulacan, umaandar na muli ang mga bus ng Baliwag Transit at Gol­den Bee Transport na may biyahe mula sa Hagonoy, na dumadaan sa Paombong at Malolos, paluwas sa Cubao at Grace Park. Bumalik na rin ang biyahe ng First North Luzon Transit Inc. mula sa Hagonoy papuntang Cubao. Ang unang biyahe mula Hagonoy ay alas-4 ng umaga at alas-6 ng umaga sa mga galing sa Cubao.

Ayon kay Emmanuel San Mateo, officer-in-charge ng Baliwag Transit Terminal, may biyahe na mula sa Baliwag papuntang Cubao at Grace Park. Dapat ay nakarehistro sa IamSafe QR Code ang bawat pasahero na sasakay dito na makukuha sa iamsafe.baliwag.gov.ph.

BUSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with