‘Torotot’ ipagbabawal sa Bulacan
Sa pagsalubong ng Bagong Taon
MALOLOS CITY, Philippines — Bukod sa mga firecrackers o paputok, ipinagbabawal na rin sa lalawigan ng Bulacan ang paggamit ng “torotot” sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, mahigpit na ipatutupad ang pagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng torotot para salubungin ang taong 2021.
Sinabi ni Fernando na malaki ang tsansa na tamaan ng COVID-19 ang sinumang gagamit ng torotot dahil sa isinusubo ng bawat gagamit nito ang pito ng torotot para ito tumunog o lumikha ng ingay. Sa oras aniya na hipan ng gumagamit ng torotot, tumatalsik ang laway papalabas sa butas ng nasabing torotot na siyang mapanganib at posibleng pagmulan ng pagkakahawa ng nasabing virus.
Nilinaw din ng gobernador na hindi ipinagbabawal na bumili ng pailaw ang mga taga-Metro Manila sa bayan ng Bocaue na siyang Pyrotechnic Capital ng Pilipinas kundi nire-regulate lamang nito ang pagbebenta at paggamit ng paputok.
- Latest