2 HVT bulagta sa drug raid

Kinilala ni Matalam Police chief P/Capt. Jun­rel Amotan ang mga napaslang na sina Rey­nold Delfin Adug alias “Rey”, 49, at Abdul An­­geles Salipada alias “Mama”, 27, may asawa­; kapwa obrero at residente ng nasabing lugar.

MATALAM, Cotaabato , Philippines —  Patay ang da­lawang high value tar­get (HVT) matapos uma­nong manlaban sa mga otoridad habang isinisilbi ang search warrant sa kanilang hideout ka­hapon ng madaling araw sa Brgy. Marbel ng ba­yang ito.

Kinilala ni Matalam Police chief P/Capt. Jun­rel Amotan ang mga napaslang na sina Rey­nold Delfin Adug alias “Rey”, 49, at Abdul An­­geles Salipada alias “Mama”, 27, may asawa­; kapwa obrero at residente ng nasabing lugar.

Sa report ng pulisya­, habang isinisilbi ng raiding team ang search warrant sa bahay ng dalawa dahil sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dan­gerous Drugs Act of 2002 pero kanilang na­tunugan na nagbunsod upang salubungin nila ng putok ang mga ope­ratiba sanhi ng engkuwentro.

Bumulagta sa barilan ang dalawang target na bagama’t naisugod pa sa ospital ay idineklara silang dead-on-arrival bun­sod ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Narekober ng SOCO team sa lugar kung saan napatay si Adug ang isang Safari Arm caliber 45, dalawang basyo ng 5.56mm at isang basyo ng caliber 45 pistol. Nakuha rin ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakaha­laga ng abot sa P7,000 sa bahay ni Adug.

Nang halughugin na­man ang bahay ni Salipada, nakuha rito ang isang Smith and Wisson 357 Magnum revolver, dalawang fired cartridge cases at isang bala ng 357 revolver, dalawang fired cartridge cases ng caliber 9mm at dalawang fired cartridge cases ng 5.56.

Nasamsam pa ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P5,000.

Show comments