4-anyos inatake sa eroplano, sinagip ng 2 bumbero
NORTH COTABATO, Philippines — Maituturing na bayani ang dalawang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao makaraang maisalba nila ang buhay ng isang 4-taong gulang na batang babae nang atakihin ng kanyang sakit sa puso habang sakay ng eroplano.
Kinilala ang naturang dalawang bumbero na sila FO1 Salman Abbas, isang registered nurse at FO1 Yasser-han Tuan; pawang ng Datu Abdullah Sangki Fire Station sa ilalim ng BFP-BARMM.
Ayon kay Datu Abdullah Sangki Acting Municipal Fire Marshal SFO2 Omarkhalif Solaima, bago ang insidente ay galing sina FO1 Abbas at FO1 Tuan sa kalakhang Maynila at dumalo sa isang training/seminar ng Firetruck’s Operation, Maintenance and Troubleshooting na ginanap sa NFTI, Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.
Habang nasa himpapawid lulan ng Philipine Airlines (PAL) galing Manila at papauwi ng lungsod ng Cotabato ay biglang inatake ng kanyang sakit ang nasabing bata na kasabay ng dalawang bumbero na pasahero sa eroplano.
Hindi nagdalawang isip na tumulong ang dalawang bumbero at binigyan ng first aid ang bata hanggang sa mag-emergency landing ang eroplano sa Cebu International Airport.
- Latest