^

Probinsiya

Tourist attractions sa Gapan, Nueva Ecija ipinasara!

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Tourist attractions sa Gapan, Nueva Ecija ipinasara!
Sinabi ng alkalde na bagama’t sinusunod nila ang health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF), may mga pasaway na bata at senior citizens na naglipana sa mga nabanggit na lugar.
Cesar Ramirez/File

Dahil sa naglipanang pasaway na bata at matatanda

NUEVA ECIJA, Philippines — Dahil sa mga naglipanang pasaway o hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, pansamantalang ipinasara sa publiko ni Gapan City Mayor Emerson “Emeng” Pascual ang mga tourist attractions sa kanilang lungsod kahapon, Dis­yembre 14.

 Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Ma­yor Pascual na sarado muna ang kanilang plaza, ang night market at ang bagong ipinagmamala­king “Lumang Gapan” na tinawag ng mga turista na “Little Vigan, ala Calle Crisologo”.

 Sinabi ng alkalde na bagama’t sinusunod nila ang health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF), may mga pasaway na bata at senior citizens na naglipana sa mga nabanggit na lugar.

Aniya, mayroon din silang CCTV footages na nagpapakita na may mga magulang ang pilit na idinaraan sa bakod ang kanilang mga anak dahil ‘di makapasok sa gate at kapag nasita ay mang-aaway pa umano ng pulis at IATF perso­nnel.

“Nawawala na ang social distancing at meron mass gathering na nangyayari at ayaw natin ito na maging mitsa ng mu­ling pagdami ng COVID patients,” pahayag ni Pascual na nagsabing ia-assess pa nila ang sitwasyon kung kailan uli sila magbubukas sa publiko.

“Masaya po ako na nakikita kung gaano kasigla at kasaya ang Gapan lalo na at papalapit ang kapaskuhan. Pero nag-aalala po ako dahil meron COVID na hindi natin nakikita. Kaya masakit man po sa amin, napagkasunduan namin ng IATF na pansamantalang isarado na ang mga pasyalan dito,” pagtatapos ng alkalde.

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with