‘Oplan Iwas Paputok’ inilunsad sa Malolos

Sinabi ni BFP Malolos head, Chief Inspector Roderick Marquez, bukod sa karaniwang taunang pagpapaalaala sa publiko na maging maingat sa pagpapaputok at huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na firecrac­kers ay kinabitan nila ang kanilang modernong fire truck ng mga LED light.
Miguel de Guzman/ File

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Maagang pinasimulan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mas pinaigting na kampanyang “Oplan Iwas Paputok” sa lungsod ng Malolos.

Sinabi ni BFP Malolos head, Chief Inspector Roderick Marquez, bukod sa karaniwang taunang pagpapaalaala sa publiko na maging maingat sa pagpapaputok at huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na firecrac­kers ay kinabitan nila ang kanilang modernong fire truck ng mga LED light.

Nakaukit dito ang mga katagang “Bayanihan Generation” na nananawagan ng pakikiisa sa nasabing kampanya. Gayundin, nakalagay ang mga katagang “Ligtas na Pamayanan, numerong 791-6129 at hotline 911 ng Department of the Interior and Local Go­vernment na maaaring matawagan ng sinumang humihingi ng saklolo sakaling may sumiklab na sunog.

Paliwanag ni Marquez, minarapat nila na gayakan ang kanilang fire truck upang mas tumatak sa mga mamamayan ang kanilang kampanya. Gabi-gabi itong iikot sa mga barangay na nasa kalupaan ng Malolos habang magbabahay-bahay ang BFP sa mga islang barangay ng lungsod.

Show comments