Rep. Pulong, namigay ng cash assistance sa Davao City
MANILA, Philippines — Nasa tinatayang 785 sa hanay ng marginalized at mga nawalan ng trabaho ang napamahagian ng ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte kamakailan.
“Kailangan natin bigyang pansin ang ating mga kababayan tulad mga bulag na ang pinagkakakitaan ay pagmamasahe o ating magagaling ng musikero maging na-layoff mula sa hotel at restaurants sa ating Ciudad,” pahayag ni Rep. Pulong.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), nakapamahagi ang mambabatas ng P6,000 bawat isa sa mga nawalan ng trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Maging ang mga musikero na miyembro ng Samahan ng mga Musikero sa Davao, Inc. (Samadhi), ang hanay ng housekeeping, waiters at iba ay nakatanggap din na tulong mula sa proyekto ni Rep. Duterte.
“Isa po kami sa tinamaan ng masakit na pagsubok dahil sa COVID-19, kaya labis-labis po ang pasasalamat namin sa kabutihan ni Cong. Pulong Duterte sa mamamayan na gaya namin,” patotoo ni Fely Encinares, tagapagsalita ng Samadhi.
Ayon kay Rep. Duterte, may mga susunod pa siyang proyekto tulad ng livelihood programs at magbibigay ng tulong sa kooperatiba ng mga mangingisda.
- Latest