Night market sa Baguio City sinuspinde!

Ayon kay Magalong, nagkaroon ng “lapses” sa pagpapatupad ng health protocols sa unang­ araw ng operasyon ng night market kung kaya binigyan niya ng direktiba sina City Treasurer Alex Cabarrubias at Market Supt. Fernando Ragma Jr. na magsagawa ng post-night market assessment upang matukoy kung saan sila nagkulang.
Andy Zapata Jr.

Health protocols ‘di nasunod sa opening

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Agad na pinahinto ni Baguio City Mayor Benjamin Maga­long ang pagsasagawa­ ng night market sa kanyang teritoryo matapos na hindi nakontrol ng mga awtoridad ang pagdagsa ng maraming tao sa unang gabi ng pagbubukas nito noong Martes.

Ayon kay Magalong, nagkaroon ng “lapses” sa pagpapatupad ng health protocols sa unang­ araw ng operasyon ng night market kung kaya binigyan niya ng direktiba sina City Treasurer Alex Cabarrubias at Market Supt. Fernando Ragma Jr. na magsagawa ng post-night market assessment upang matukoy kung saan sila nagkulang.

Nabatid na halos hindi mahulugan ng ka­rayom sa kapal ng tao na tila na-excite at gustong mamili sa night market sa Harrison Road na nagresulta ng paglabag sa physical distan­cing.

Ani Magalong, kaya niya pinahintulutan ang muling pagbubukas ng night market ay upang manumbalik ang kabuhayan ng mga negos­yante na nasadlak sa kahirapan dulot ng lockdown dahil sa pagputok ng pandemya.

Aniya, hindi rin ma­katuwiran na isakripisyo ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan sa layuning lumago muli ang ekonomiya ng lungsod.

Nauna rito, inanunsyo ni Ragma na agad na sususpindihin o ititigil ang night market kapag nakita nilang hindi nasunod ang pinatutupad na physical distancing at iba pang minimum health protocols.

Show comments