13K pamilya sa coastal areas inayudahan ni Gov. Fernando
MALOLOS CITY, Philippines — Sakay ng bangkang de motor, pinangunahan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang pamamahagi ng food packs sa may 13,796 apektadong pamilya na naninirahan sa mga coastal area ng Hagonoy, Paombong at Lungsod ng Malolos matapos hagupitin ng Bagyong Ulysses kamakailan.
Sa ulat ni Rowena Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, na nasa 4,042 na pamilya ang tumanggap ng food packs sa Hagonoy kasama na ang 1,223 na pamilya sa Brgy. Tibaguin, 677 sa Brgy. Pugad at 576 sa Brgy. Masukol noong nakalipas na linggo.
Tumanggap din ng relief goods ang may 865 na pamilya sa Brgy. Sta. Cruz at 701 mula sa Brgy. Binacod, pawang sa bayan ng paombong.
Nagpatuloy ang relief operation sa mga coastal barangay sa Lungsod ng Malolos kamakalawa kung saan 1,502 pamilya mula Brgy. Pamarawan, 225 sa Brgy. Caliligawan, 278 sa Brgy. Namayan, 230 sa Brgy. Masile , 349 sa Brgy. Babatnin at 420 sa Brgy. Calero ang tumanggap ng food packs. Maging ang mga kalapit barangay ay nabiyayaan kasama ang 1,800 pamilya sa Brgy. Panasahan, 1,213 sa Brgy. Bagna, 1,207 sa Brgy. Atlag, 1,800 sa Brgy. Sto Rosario at 710 mula sa Brgy. San Vicente.
- Latest