Cong. ‘Pulong’ namigay ng 150K face sahields sa Davao City
MANILA, Philippines — Nasa 150,000 face shields ang ipinamudmod nang libre ni 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa 54 barangays na kanyang nasasakupan upang matiyak nito ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan ng Davao City laban sa coronavirus disease COVID-19, kahapon.
“Hindi po tayo puwede magpabaya at maging kampante sa laban kontra COVID-19. Patuloy natin lalabanan ang pandemya na ito. Basta sama-sama at tulungan tayo, hindi lang dito sa Davao bagkus ay sa buong bansa,” pahayag ng mambabatas.
Sa ngayon, ayon sa Department of Health (DOH), lumagpas na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa 400,000 at mahigit 8,000 dito ang binawian ng buhay habang may 375,000 mahigit na ang gumaling.
“Ugaliin po natin ang pagsusuot ng face mask at face shield, at isuot po natin ito ng tama. Ipagpatuloy din po ang paghuhugas ng kamay, pagpapalakas ng resistensya, pag-inom ng Vitamin C at paglilinis o disinfect ng mga gamit at kapaligiran,” pagtatapos ni Rep. Duterte.
- Latest