Landslide area sa Nueva Vizcaya idineklarang ‘no build zone’
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matapos masawi sa landslide ang 10 katao noong kasagsagan ng bagyong Ulysses, idineklara ng gobyerno na “no build zone” ang “gold rush area” ng Brgy. Runrono sa Quezon, Nueva Vizcaya kahapon.
Ang deklarasyon ay ginawa ng Department of Environment and Natural (DENR) dahil sa pagiging “geo-hazard” ng lugar na hindi puwedeng matayuan ng bahay.
Ang aksyon ng DENR ay kasabay na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahintuin na ang illegal logging at illegal mining na siyang nagpalala sa nagdaang baha.
Matatandaan na iniulat noong lunes ni Nueva Vizcaya Police director Colonel Ranser Evasco na inabandona na ng mga minero ang kanilang bahay sa Sitio compound at Bit-ang na tinamaan ng mga pagguho ng lupa sa kasagsagan ng bagyo noong nakaraang Linggo. Isinara na ang lugar upang hindi na balikan ng mga nakatira dagdag ni Evasco.
Ayon kay DENR Nueva Vizcaya officer Edgar Martin, tinanggap na ng 245 na residente na karamihan ay minero ang kompensasyon ng gobyerno para lisanin na ang lugar at pinag-iisipan na ang kanilang posibleng relokasyon.
- Latest