Kagawad itinumba habang pauwi

LAGONOY, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman habang naglalakad pauwi sa Zone-7A, Brgy. Bocogan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot matapos na mapuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Felipe Cucao Pajarin, nasa hustong gulang, kagawad at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5 ng hapon habang naglala­kad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang gunman.

Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima na agarang namatay sa lugar saka tumakas ang ‘di kilalang salarin.

Nakuha sa lugar ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Show comments