TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dinakma ng mga otoridad ang siyam na lalaki na nahuling nililimas ang isang protected forest area upang sakupin sa kabundukan ng Brgy.Calaanan, Bongabon, Nueva Ecija,kamakalawa.
Kinilala ni Nueva Ecija Police Director Colonel Marvin Saro ang mga arestado na sina Renato Baltazar, 42, Guillermo Dino, 55, Christian Regalario, 28, Romeo Camacho, 29, Richard Carinan, 22, June delos Santos, 42, Vincent Tieño, 58, Federico Undan, 65 at Ernesto Vigil, 30 pawang mga residente ng Bongabon.
Ayon kay Saro,kasama nila ang mga operatiba ng Protected areas special unit ng Department of Environment and Natural Resources nang mahuli sa akto ang mga mister na nililinis ang lugar at nagtatayo ng kanilang mga barung-barong.
Sinabi ni Saro na pinaigting ng pulisya ang kampanya laban sa squatting at illegal logging bilang tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang nagdaang malawakang pagbaha sa Luzon na isinisisi sa pagka-kalbo ng kagubatan.