^

Probinsiya

Pamunuan ng Magat dam kakasuhan sa matinding pagbaha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Pamunuan ng Magat dam kakasuhan sa matinding pagbaha
Mataas pa rin ang tubig sa Brgy. Meysulao, Calumpit, Bulacan kaya kanya-kanyang diskarte ang mga residente sa paggamit ng maliit na bangka para lang makatawid sa kanilang gustong puntahan matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses. Posibleng abutin umano ng ilang buwan bago tuluyang mawala ang nasabing tubig baha.
Boy Santos

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nagbanta si Cagayan Governor Manuel Mamba na kanilang kakasuhan ang pamunuan ng Magat dam sa Ramon, Isabela dahil sa matindi umanong kapabayaan at sa danyos na idinulot nito sa mamamayan matapos ang malawakang pagbaha sa kanyang teritoryo noong nakaraang linggo.

Himutok ni Mamba,  bagama’t biyaya sa Isa­bela ang patubig na dulot ng dam sa pananim doon, wala namang nakukuhang pakinabang ang Cagayan sa operasyon ng Magat dam bagkus sila ang napeperwisyo sa tuwing nagpapakawala ito ng tubig sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Mamba, pa­tuloy siyang inuudyukan ng mga tao na tuluyan nang sampahan ng kaso ang National Irrigation Administration na siyang nangangasiwa sa Magat dam.

Sa report ng Office of the Civil Defense, anim sa 10 namatay sa Cagayan noong nagdaang bagyo ay may kaugnayan sa baha habang libu-libong katao ang nailikas.

Sa pagdalaw ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa lalawigan, sinabi nitong dapat ay mayroong ahensiyang mangangasiwa sa pagpapalabas ng tubig sa dam sa panahon ng kalamidad upang maiwasan ang trahedya.

MAGAT DAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with