^

Probinsiya

3 pang bangkay nahukay sa landslide sa Ifugao

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
3 pang bangkay nahukay sa landslide sa Ifugao
Sa ulat, ala-1:20 ng Linggo nang mahukay sa Wang-Wang, Lubu-ong, Banaue ang bangkay ni Engr. John Limoh, 31, ng Brgy. Ducligan, Banaue at ilang minuto ang nakalipas ay na­rekober ang katawan ni Engr. Julius Gulayan Jr. sa Sitio Balat, Lubu-ong.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlo pang bangkay ang nahukay nitong Linggo sa ikatlong araw na retrieval operations ng mga awtoridad mula sa gumuhong lupa sa Sitio Sumigar, Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao sa kasagsagan ng bagyong Ulysses..

Dahil dito, umabot na sa 9 ang narekober na bangkay kabilang ang dalawang inhinyero ng Department of Public Works and  Highways (DPWH)-Ifugao 2nd District Engineering Office na nagsagawa lang ng road clearing operations sa nasabing lugar.

Sa ulat, ala-1:20 ng Linggo nang mahukay sa Wang-Wang, Lubu-ong, Banaue ang bangkay ni Engr. John Limoh, 31, ng Brgy. Ducligan, Banaue at ilang minuto ang nakalipas ay na­rekober ang katawan ni Engr. Julius Gulayan Jr. sa Sitio Balat, Lubu-ong.

Ayon kay Cordillera police director Brig Gen. Riin Pagkalinawan, dakong alas-3 ng hapon nitong Linggo rin nang makita ang isa pang bangkay na dinala sa Banaue town hall para sa pagkakakilanlan nito.

Kinumpirma rin ni Mayor Wesley Dulawan na isang putol na kaliwang hita ang narekober ng mga rescuers kamakalawa ng tanghali sa Riverside, Sitio Bacuyan, Tungod, Lagawe sa lugar na pinaniniwalaang kasama ng ulo nilang nahukay noong Biyernes.

Nauna nang narekober ang mga bangkay nina Jose Piog, 70, at Clever Joniel Piog, 18, kapwa ng Brgy. Bocos; Reynante Boquing, 28, ng Brgy. Cambulo; Joshua Culhi, 24; Roldan Pigoh, 37, at Lance Bruce Guinyang, 3, mga taga-Brgy. Poblacion sa nabanggit na bayan.

Isa pang kasamahan ang patuloy ang pahirapan na hinahanap ng mga rescue team ng PNP, Phil. Army, BFP, PDRRMC, MDRRMC, Tam-An Rescue at iba pang volunteers dahil sa patuloy na pagbuhos ng pag-ulan at lakas ng agos ng tubig sa ilog sa lugar na tumangay rin sa mga biktima.

Masuwerteng nakaligtas sa insidente si Jim Harold Guinyang, 20, ang ika-limang kawani ng DPWH na noon ay nag-aayos ng kanilang equipment malapit sa nasabing bahay nang maganap ang landslide. - Raymund Catindig, Artemio Dumlao

LANDSLIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with