^

Probinsiya

3 dalagitang magpipinsan nilamon ng tubig-baha

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
3 dalagitang magpipinsan nilamon ng tubig-baha
Patay nang maihaon ng rumespondeng rescue team mula sa LGU-Milaor ang mga biktima na kinilalang sina Joan Cabalquinto, 16-anyos; Quenny Ann Baer, 12-anyos at Nene Cabalquinto, 14-anyos; pawang residente ng nasabing barang

MILAOR, Camarines Sur, Philippines — Tatlong magka­kamag-anak na dalagita ang nasawi matapos na malunod sa baha sa tabi ng boulevard ng Zone-2, Herrera, Brgy. Del Rosario sa bayang ito sa Camarines Sur Huwebes ng hapon.

Patay nang maihaon ng rumespondeng rescue team mula sa LGU-Milaor ang mga biktima na kinilalang sina Joan Cabalquinto, 16-anyos; Quenny Ann Baer, 12-anyos at Nene Cabalquinto, 14-anyos; pawang residente ng nasabing barangay.

Masuwerte namang nakaligtas at isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City ang isa pa nilang kaanak na 13-anyos na dalagita.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon, magkakahawak kamay ang magpipinsang naglalakad sa bahang boulevard patungong Maharlika Highway.

Gayunman, isa sa kanila ang nadulas at nahulog sa malalim na bahagi ng baha dahilan para lahat sila malunod maliban kay Kaye na agad nakuha ng rumespondeng search and rescue team.

BAHA

FLASHFLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with