Surigao del Norte, niyanig ng 5.3 magnitude na lindol

Ayon sa ulat ng Philippine Instittute of Volcanology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay naitala sa may 014 kilometro ng kanluran ng Burgos Surigao Del Norte.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang Surigao del Norte kahapon ng alas-3:18 ng hapon.

Ayon sa ulat ng Philippine Instittute of Volcanology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay naitala sa may 014 kilometro ng kanluran ng Burgos Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, uma­abot sa 10 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol at tectonic ang ugat ng natu­rang pagyanig.

Bunsod nito, naitala ang lakas ng lindol sa Intensity 3 sa  Surigao City; Rosario, Agusan del Sur, Intensity 2 sa  Borongan City, Eastern Samar; Gingoog City, Mi­samis Oriental at Intensity 1 sa Catbalogan City, Samar

Wala namang ulat ng damage ang naturang pagyanig pero inaasahan ang mga aftershocks.

Show comments