^

Probinsiya

Batanes, COVID-19 free na muli

Joy Cantos at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — CO­VID-19 free na muli ang Batanes matapos makarekober ang dalawang kaso doon ayon kay Governor Marilou Cayco kahapon.

Ang magandang balita ay masayang ibina­hagi ni Cayco sa kanilang “Laging Handa” briefing at sinabing nakalabas na ang dalawang pasyente sa qua­rantine facilities.

Ang dalawa ay pawang mga locally stranded individual (LSI) mula Pasay City at Sta. Rosa, Laguna na umuwi sa isla sakay ng isang Philippine Air Force flight noong Setyembre.

Nabatid na ang dalawa ay nanatiling asymptomatic at malusog sa inilagi nila sa isla sa pag-aaruga ng mga health authorities.

Ayon kay Cayco, mayroon pang 95 na umuwing mga LSIs at overseas Filipino workers (OFWs) na nasa quarantine facilities ng lokal na pamahalaan subalit wala ni isa man sa kanila ang nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Bagama’t nagpahayag ang gobernador ng intensiyong luwagan ang panuntunan nila sa mga bisita, naunang inirekomenda ng Provincial Task Force on CO­VID-19 sa Sangguniang Panlalawigan na panatilihing sarado ang Batanes sa mga turista at hindi residente hangga’t wala pang nakikitang lunas sa kasalukuyang panana­lanta ng pandaigdigang pandemya.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with