LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang sakay ng kanyang owner type jeep sa Brgy.Sagrada sa bayan ng Lupi,Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Napuruhan sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan na agarang ikinamatay ng biktimang si Allan Bacuña Dela Rosa, 39, may-asawa, incumbent barangay chairman at residente ng Brgy. Del Carmen. Hindi naman nakilala ang tumakas na gunmen matapos ang pamamaril.
Sa ulat, alas-4:45 ng hapon habang lulan at minamaneho ng biktima ang kanyang owner type jeep binabagtas ang paakyat na bahagi ng kalsada sa nasabing barangay nang walang kaabog-abog na pagbabarilin ng mga nakaabang at hindi nakilalang mga suspek.