TUGUEGARAO CITY, Philippines — Siyam na frontliners kabilang ang tatlong doktor at tatlong medical technologists ang kabilang sa 15 bagong kaso ng COVID-19 sa Cagayan kahapon.
Ayon sa Provincial Health Office (PHO), isa sa mga doktor ay nagkaroon ay re-infection sa virus matapos na makarekober noong Hulyo.
Sinabi ng PHO na mula sa 9 na nagpositibo, ang tatlong doctor dito kasama pa ang tatlong medtech at isang nurse ay pawang nakatalaga sa Cagayan Valley Medical Center na nagkaroon ng pakikisalamuha sa mga pasyenteng may COVID.
Ang ika-walo na isang nurse naman ay taga-Allacapan ng nasabi ring lalawigan, na nagkaroon ng travel history sa karatig bayan ng Ballesteros.
Ang pang-9 ay isang contact tracer ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lungsod na ito na nahawa matapos umanong matalsikan ng laway ng kausap na guro na nagpositibo kalaunan sa virus.