Lahar, mudflow sa Mayon, Pinatubo at Taal posible kay ‘Rolly’

Ayon sa Phivolcs, ang mga pag-uulan na dala ni Rolly ay maaa­ring magdulot ng pag­ragasa ng lahar at mudflow sa mga ilog at drainage areas ng naturang mga bulkan. Maaari rin umanong magdulot ng lahar ang malakas na pag-ulan sa mga major channels ng Mayon volcano sa pagsasama ng loose material mula sa naiwang pyroclastic density current (PDC) deposits mula sa bulkan noong Enero hanggang March 2018 eruption.
The STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines  — Nagbabala ang Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) sa posib­leng pagragasa ng lahar at mudflow mula sa tatlong aktibong bulkan na Mayon, Pinatubo at Taal dahil sa ma­tinding pag-uulan na dala sa paghagupit ng bagyong Rolly sa Luzon.

Ayon sa Phivolcs, ang mga pag-uulan na dala ni Rolly ay maaa­ring magdulot ng pag­ragasa ng lahar at mudflow sa mga ilog at drainage areas ng naturang mga bulkan. Maaari rin umanong magdulot ng lahar ang malakas na pag-ulan sa mga major channels ng Mayon volcano sa pagsasama ng loose material mula sa naiwang pyroclastic density current (PDC) deposits mula sa bulkan noong Enero hanggang March 2018 eruption.

Ayon sa Phivolcs, ang karamihan ng erodible PDC deposits ay nasa watershed areas ng Miisi, Mabinit, Bu­yuan at Basud Channels.

Samantala, ang mahaba at malakas na pag-ulan ay maaa­ring magdulot ng lahar sa major rivers draining ng western Pinatubo volcano na ang deposito ng 1991 PDCS ay nananatiling nasa watershed.

Ang Pinatubo lahar naman ay maaa­ring rumagasa sa may Sto. Tomas-Marella at Bucao River systems  na magiging muddy streamflows at pagbaha na apektado ang mga komunidad ng San Marcelino, San Narciso, San Felipe and Botolan, Zambales Province.

Magdudulot ng muddy streamflow ang malalakas na pag-ulan sa may Taal volcano lalo na sa kanluran ng Taal Lake. Maaaring maapektuhan ng muddy streamflows ang mga komunidad sa Agoncillo at Laurel, Batangas province.

Pinayuhan na ng Phivolcs ang mga LGUS na malapit sa tatlong mga bulkan na maghanda at magsagawa ng preemptive response measures para sa kaligtasan ng mamamayan mula sa pananalasa ni Rolly.

Show comments