MANILA, Philippines — Nasa 82 katao na nakipaglibing sa isang namayapang residente ang naospital matapos makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat at pagdudumi dahil sa nalason sa kinaing sandwich sa Catanduanes noong Lunes.
Nilalapatan ng lunas at inoobserbahan ang mga biktima na nagmula sa mga bayan ng San Andres at Virac.
Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng na-food poison ang mga biktima.
Inaalam ng mga awtoridad kung gaano na katagal ang mga sandwich bago ito ipinakain sa mga biktima gayundin ang ginamit na palaman kung ito ay expired.
Kinukuwestiyon na rin ng awtoridad ang caterer na naghanda ng naturang pagkain.