^

Probinsiya

Higit 2,000 katao inilikas, lolo nawawala

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon
Higit 2,000 katao inilikas, lolo nawawala
Hila-hila ng mga kalalakihan ang isang nalunod na kalabaw matapos nilang mahango ito sa baha na patuloy na rumaragasa sa Barangay Luzon, Claveria, Cagayan dulot ng Habagat.
Task Force Lingkod Cagayan

Sa malawakang pagbaha sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines  —  Nasa mahigit 2,000 katao ang inilikas habang isang 60-anyos na magsasaka ang nawawala at pinaniniwalaang nalunod bunsod ng malawakang pagbaha sa  hilagang Cagayan kahapon.

Kinilala ni Major Stanley Banan, hepe ng San Mira Police station ang lolo na isinailalim sa search operation na si Artemio Bumiltac.

Ayon kay Banan, inililikas ni Bumiltac ang alaga nitong kalabaw mula sa nalulubog niyang palayan sa Barangay Santiago nang tangayin siya ng flash floods dakong alas-5:00 ng umaga ng Sabado. Nakaligtas ang kalabaw subalit pinaghahanap pa rin ang matanda.

Sinabi ni Banan na nasa mahigit 100 katao sa naturang barangay ang inilikas at dinala sa limang evacuation centers sa Sanchez Mira habang patuloy pang sinasagip ang iba pang mga residente na nakulong ng tubig sa kanilang mga bahay.

Samantala, tinukoy ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na bukod sa Sanchez Mira ay apektado ng flashfloods at landslides ang mga katabing bayan ng Claveria, Pamplona at Sta. Praxedes. Pinakamaraming nailikas sa Claveria na may mahigit 1,400 katao o higit 300 pamilya na sinundan ng higit 850 katao sa Sta. Praxedes at ang iba ay mula Sanchez Mira at Pamplona dagdag ni Mamba. Nasalanta rin ng walang puknat na pag-ulan ang karatig bayan ng Calanasan, Apayao na nasarhan ng kalsada dahil sa mga natumbang puno at tubig-baha.

Ayon sa Task Force Lingkod Cagayan ng provincial government, napinsala ang bahagi ng nagsarang tulay ng Portabaga at Macatel bridge sa Sta. Praxedes habang lubog din sa tubig ang ilang bahagi ng highway sa Claveria, Pamplona at Sanchez Mira.

Katuwang ng task force sa rescue operations ng mga residente at alaga nilang hayop sa nagaganap na kalamidad ang Philippine Marine Battalion Lan­ding Team-10.

STANLEY BANAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with