^

Probinsiya

Opisyal ng NPA utas sa engkuwentro

Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  —   Patay ang kalihim ng communist terror group (CTG) ng New People’s Army (NPA) matapos na makipagbakbakan sa mga sundalo ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Rudson, Brgy Arakan, Matalam, dito kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na NPA official na si Zaldy Gulmatico Polido alyas “Joel” at “Cobra”, secretary ng Guerilla Front 53 ng Southern Regional Command 3, Southern Mindanao Regional Committee.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga habang nagsasagawa ng combat clearing operation ang mga sundalo nang kanilang makasagupa ang nasa 12 na bandido at tumagal ang engkuwentro ng 20 minuto hanggang sa magsiatras ang mga kalaban.

Narekober ng militar sa clearing operations sa encounter site ang ilang armas ng mga terorista na M16A1 na may tatlong magazines, dalawang Nokia cellular phones at mga dokumento.

Ayon kay Major General Juvymax R. Uy, Commander 6th Infantry Division, magpapatuloy ang gagawing pagtugis ng mga sundalo sa mga terorista na naghahasik ng karahasan sa mga mamamayan.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with