Hotel sa Cavite ni-raid: Korean timbog sa illegal online game

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Jaeyong Choi habang pinaghahanap naman ang kasama nito na si Hae Jung Chun, kapwa nasa hustong gulang at naka-check in sa Unit A101 Lakeview Suites 5705 sa Calamba Road, Brgy. Iruhin West, Tagaytay City.
STAR/ File

CAVITE , Philippines —  Arestado ang isang Korean national matapos maaktuhang nagsasagawa ng illegal online gaming sa isinagawang pagsala­kay ng pulisya sa isang hotel kamakalawa ng hapon sa Tagaytay City.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Jaeyong Choi habang pinaghahanap naman ang kasama nito na si Hae Jung Chun, kapwa nasa hustong gulang at naka-check in sa Unit A101 Lakeview Suites 5705 sa Calamba Road, Brgy. Iruhin West, Tagaytay City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, alas-5 ng hapon nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Tagaytay City Police at Criminal Investigation and Detection Group ng Camp Crame at Regional Anti-Cybercrime Unit Region 4A, ang pag­salakay laban sa da­lawang Koreano.

Bitbit ng raiding team ang search warrant No. 20-3584 dahil sa mga pag­labag sa R.A. 8484 (Access Device and Re­gulation Act of 1998) at P.D. 1602 as amended by RA 9287 (An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Game, amending Certain Provision of PD 1602, and for other purposes) in relation to RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012 na inisyu ni Cynthia Marino-Ricablanca, executive dudge, RTC 4th Judicial Region sa Santa Cruz, Laguna ay tinungo ng grupo ang nasabing hotel kung saan naka-check in ang mga suspek.

Si Jaeyong Choi lamang ang naabutan ng pulisya sa loob ng unit at naaktuhan ang online gambling na isinasagawa nito.

Narekober dito ang iba’t ibang uri ng mga cellphones, laptops, computer units at iba pang ebidensya.

Show comments