Amadeo, Cavite vice mayor timbog sa raid

Ayon sa ulat, 15 search warrants ang bitbit ng mga awtoridad nang kanilang salakayin ang lungga ni Amadeo, Ca­vite Vice Mayor Conrado Viado at ng kanyang mga tauhan.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Arestado ang bise alkalde ng Amadeo sa Cavite na hinihinalang lider ng private armed group matapos ang isinagawang pagsalakay ng pulisya sa kanyang bahay at bahay ng kanyang mga tauhan kahapon.

Ayon sa ulat, 15 search warrants ang bitbit ng mga awtoridad nang kanilang salakayin ang lungga ni Amadeo, Ca­vite Vice Mayor Conrado Viado at ng kanyang mga tauhan.

Si Viado ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms at pinaniniwalaang nagsisilbing lider ng gun-for-hire group.

Sa kabila nito, walang nakuhang armas sa bahay ni Viado pero nahulihan naman siya ng dalawang baril na walang “permit to carry” matapos maaktuhan sa isa sa mga bahay na sinalakay.

Nakumpiska naman ang nasa 18 malalakas na armas kabilang ang isang mataas na uri ng baril sa isa sa sinasabing kasamahan ni Viado.

Show comments