^

Probinsiya

P200 milyong smuggled na laptop nabawi

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P200 milyong smuggled na laptop nabawi
Sa ulat ni OMB Chairman Atty. Christian Natividad, nasa 5000 desktop compu­ters at 8000 refurbishes laptop na nagkakahalaga ng P200 milyon na nakalagay sa iba’t ibang kahon ang nakumpiska sa loob ng bodega na inuupahan ng mga negosyanteng sangkot umano sa smuggling sa bansa.
STAR/ File

MARILAO, Bulacan - Sinalakay ng mga ope­ratiba ng Optical Media Board (OMB) at mga pulis ang isang bodega na ginagamit  na taguan ng mga luma at recycled na smuggled laptop sa 3M Compound Barangay Sta. Rosa ng nasabing ba­yan kahapon ng umaga.

Sa ulat ni OMB Chairman Atty. Christian Natividad, nasa 5000 desktop compu­ters at 8000 refurbishes laptop na nagkakahalaga ng P200 milyon na nakalagay sa iba’t ibang kahon ang nakumpiska sa loob ng bodega na inuupahan ng mga negosyanteng sangkot umano sa smuggling sa bansa.

Una nang natukoy ang bodega mula sa mga concern citizen kaugnay sa pagkukumpuni ng mga luma at recycled na laptop at desktop.

Nabatid na  karamihan ng mga smuggled na electronics gadgets ay mula sa  Korea, Japan at China.

Sa imbestigasyon ng OMB na pinapalitan umano ng mga technicians ang mga piyesa para magmukhang ba­gong muli ang naturang kontrabando.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang tunay na may-ari ng mga smuggled na produkto.

Nanawagan si OMB chairman Natividad sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga recycled na computers partikular sa Maynila.

OMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with