^

Probinsiya

106-anyos tinamaan ng COVID sa Baguio City

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
106-anyos tinamaan ng COVID sa Baguio City
Ayon sa City Health Services Office, ang lolo na taga-Barangay Irisan ay nasa Baguio City General Hospital and Medical Center kung saan binibigyan ng maselang pangangalaga dahil sa kanyang katandaan.
The STAR/Artemio Dumlao/File

MANILA, Philippines — Isang 106-anyos na lolo ang iniulat na pinakamatandang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa Baguio City kahapon.

Ayon sa City Health Services Office, ang lolo na taga-Barangay Irisan ay nasa Baguio City General Hospital and Medical Center kung saan binibigyan ng maselang pangangalaga dahil sa kanyang katandaan.

Maliban sa walang kasaysayan ng paglalakbay ay wala pang ibang detalyeng nakakalap ang awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagkakahawa ng lolo sa virus.

Ang lolo ay kasabay sa 22 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod na nagtala naman ng pinakamataas na bilang ng nagrekober na umabot sa 103.

Noong nakaraang Mayo, isang 77-anyos na lolo na nakaranas na ng stroke ang itinuring na pinakamatanda sa Baguio City na nakarekober sa COVID-19.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with