^

Probinsiya

Koreano tumangay ng P2.5 milyon sa kabaro, arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang Korean national na tumangay umano ng pera ng kanyang kapwa Koreano sa isang casino sa Mabalacat, Pampanga matapos na matunton sa isang hotel sa lungsod na ito pasado hatinggabi noong Sabado.

Ayon kay Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng Cabanatuan City Police, kanilang inaresto ang suspek na si Lim Hyuk Kyu, 34-anyos, binata, sa tinutuluyan nitong Microtel Hotel sa Brgy. Sta. Arcadia bandang alas-12:10 ng umaga noong Oktubre 3.

Sinabi ni Dial na nakatanggap sila ng impormasyong nagtago si Kyu sa kanilang hurisdiksyon matapos nitong tangayin ang P2.5-milyong cash na kanyang winithdraw sa account ng kabarong si Gwontho Jeon, 39-anyos ng Samanting Street, Carmenville Subdivision, Angeles City.

Nabatid na noong Oktubre 2, alas-10:30 ng umaga nang i-withdraw ng suspek ang nasabing pera sa isang casino sa Malabacat City. Agad nalaman ng biktima na nawawalan na siya ng pera sa isa nitong account kaya’t agad na humingi ng tulong sa pulisya hanggang sa matunton ang pinagtataguan ng suspek.

KOREANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with