Suspek sa pagbaril sa kapitan, natagpuang patay

Sa ulat, natagpuan pasado alas-12 ng tanghali sa isang masukal at mabundok na bahagi ng Tambunan 2 ang nangangamoy nang bangkay ng suspek na si Mohammad Akan na taga-Brgy. Meta, Datu Unsay, base sa narekober ng pulisya na quarantine pass sa sling bag nito.
STAR/File

MAGUINDANAO, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isa sa mga bumaril at nagtangkang pumatay sa isang barangay chairman sa Guindulungan, Maguindanao, kamakalawa.

Sa ulat, natagpuan pasado alas-12 ng tanghali sa isang masukal at mabundok na bahagi ng Tambunan 2 ang nangangamoy nang bangkay ng suspek na si Mohammad Akan na taga-Brgy. Meta, Datu Unsay, base sa narekober ng pulisya na quarantine pass sa sling bag nito.

Hinihinala ng awtoridad na posibleng naubusan ng dugo si Akan matapos umanong makipagbarilan kay Chairman Durex Kasim ng Brgy. Muslim, Guindulungan.

Si Chairman Durex ay pinagbabaril ng dalawang gunmen sa Brgy. Tambunan, Guindulu­ngan noong Martes su­balit nakaganti siya ng putok sa mga suspek kung saan nasapol nito ng bala ang isa habang sugatang tumakas sa kabundukan ang isa na hinihinalang si Akan.

Show comments